Legalidad ng Maharlika Investment Fund hinamon sa SC
Kinuwestiyon na sa Korte Suprema ang legalidad ng Maharlika Investment Fund (MIF).
Naghain ng petisyon sina Senate Minority Leader Aquilino Koko Pimentel III, dating Bayan Muna Cong. Neri Colmenares, Carlos Zarate at Ferdinand Gaite at kinuwestiyon kung naaayon sa Saligang Batas ang kauna-unahang sovereign fund ng bansa.
Nakasaad sa kanilang petisyon na “unconstitutional” ang MIF dahil wala sa ilalim ng State of Emergency ang Pilipinas nang ihirit ni Pangulong Marcos Jr., sa Kongreso na “urgent” ang naturang panukalang batas.
Diin pa nila hindi rin nabusisi ang husto sa Kongreso ang panukalang-batas dahil minadali ang pagpasa nito.
Una na naman nang dinipensahan ng Malakanyang ang MIF sa katuwiran na malaki ang maitutulong ng pondo sa mga programa at pagbibigay serbisyo ng gobyernon sa mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.