Coral harvesting sa WPS posibleng paghahanda sa reclamation

By Jan Escosio September 18, 2023 - 06:25 PM

Nababahala si Senator Francis Tolentino na ang ginawang “coral harvesting” ng China sa Iroquios o Rozul Reef sa West Philippine Sea (WPS) ay maaring paghahanda sa panibagong reclamation.

Aniya malapit lamang sa Palawan ang Rozul Reef at pasok na pasok ito sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

“May iba pang plano siguro po riyan, di lang ‘yong pagkuha ng corals at pagdurog nito. Iyong pagpatay kasi ng corals ay prelude sa isang bagay— pag pinatay mo iyon, pwede ka nang mag-reclaim,” sabi ng namumuno sa  Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones.

Diin pa niya ang  “coral harvesting” ay malinaw na paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kayat dagdag niya kung pormal na idudulog ng Pilipinas ang pangyayari dapat ay gawin ito sa tribunal na kinikilala ang UNCLOS.

Samantala, pagbabahagi pa ni Tolentino, sinimulan na niya ang pagbuo ng Philippine Maritime Zone Law. na sa kanyang paniniwala ay magpapatibay sa posisyon ng bansa sa pakikipag-agawan ng teritoryo sa China.

“Iyon po ang kinukutya sa atin ng China, ‘Nagke-claim kayo rito, wala naman kayong maritime zone law,’ kaya iyon po ang ginagawa natin ngayon after several decades,” sabi pa nito.

TAGS: China, Palawan, UNCLOS, WPS, China, Palawan, UNCLOS, WPS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.