Sa katapusan ng buwan, maari nang mabili ng fully digital eSIM ng Globe para sa mas madaling pagkakaroon ng SIM card.
Sa eSIM magiging simple at madali na lamang ang pamamahala ng mobile services.
Ito ay ay mabibili lamang via GlobeOne app, isang digital-exclusive strategy na nagbibigay-diin sa commitment ng Globe sa isang future-ready at streamlined user experience.
Kinakailangan lang na ma-download ang GlobeOne app, gumawa ng GlobeOne account bago mag-request ng eSim.
Hindi na kakailanganin pang magpunta sa Globe business center o ipa-deliver ang SIM.
“At Globe, we’re always looking ahead, anticipating the needs of our customers in an ever-evolving digital landscape. The prepaid eSIM captures our vision of a seamless, digital-first mobile experience, marrying innovation with convenience,” ani Darius Delgado, ang head ng Globe – Consumer Mobile Business.
Paliwanag pa niya: “The merits of the eSIM go beyond its digital nature. It allows users to install multiple eSIMs on selected devices and use two phone numbers at the same time. Plus, the eSIM can also be used in devices other than mobile phones such as smartwatches, allowing seamless connection under one mobile number.”
Ang teknolohiyang ito ay magagamit sa Apple Watch cellular, na magbibigay-daan sa Globe Prepaid iPhone users na lumabas gamit lamang ang kanilang Apple watch at manatiling konektado kahit hindi nila dala ang kanilang iPhone.