AHW kay PBBM: Appointment ni Health Sec. Ted Herbosa sobrang insulto sa health workers

AHW PHOTO

Nagpahayag ng matinding pagkontra ang Alliance of Health Workers (AHW) sa pagkakatalaga kay Dr. Teodoro “Ted” Herbosa bilang kalihim ng Department of Health (DOH).

Panawagan ng AHW sa Commission on Appointment (CA) huwag palusutin ang ad interim appointment ni Herbosa. “[Marcos’] appointment of Herbosa is a clear manifestation of the president’s extreme lack of concern for the lives, health, and welfare of the health workers and the people,” ang pahayag ng AHW. Pagdidiin pa ng grupo malaking insulto sa health workers ang pagkakatalaga kay Herbosa dahil sa ninais nitong isapribado ang ilang government hospitals, tulad ng Philippine Orthopedic Center at Dr. Jose Fabella Hospital. Ang posisyon na ito ni Herbosa, ayon pa sa AHW, ay pagbalewala sa kapakanan ng mga mahihirap na pasyente na umaasa sa libre at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga pampublikong ospital. “What the position calls for, the AHW said, is someone who values the call of health workers for a salary increase and better benefits, someone who is determined to protect and defend the health workers against discrimination, intimidation, and violence,” pagdidiin pa ng grupo. Nabanggit din na noong 2016, inihayag ng Office of the Ombudsman na may “probable cause” para malitis sa Sandiganyaban si Herbosa, na noon ay undersecretary sa kawanihan, kasama si dating Health Sec. Enrique Ona at dating Health Asec. Nicolas Lutero III dahil sa paglabag  sa Anti-Graft & Corrupt Practices Act kaugnay sa P392 million hospital modernization program. Iginiit ng Ombudsman ang “perpetual disqualification” ng tatlo na humawak ng kahit anong posisyon sa gobyerno. Bukod sa mga ito, sumabit din sa ibat-ibang kontrobersiya si Herbosa at umani ng maraming kritisismo ang ilan sa kannyang mga pahayag, gaya ng paggaling sa COVID 19 sa pamamagitan ng tuob at pag-inom lamang ng antibiotic, ang pagkamatay ng isang matanda sa isang community pantry, ang pagkamatay ng sanggol ng isang nakakulong na aktibista at ang hindi na pagtanggap ng mga ospital ng COVID 19 patients sa kabila na umaapaw na ng mga pasyente sa mga pasilidad.

Read more...