P44-M halaga ng mga ari-arian, istraktura napinsala sa lindol sa Cagayan
Higit P44 milyon ang halaga ng mga napinsalang ari-arian sa pagtama ng magnitude 6.3 earthquake sa Dalupiri Island sa Cagayan, Martes ng gabi.
Ito ang ibinahagi ng Office of Civil Defense at nabatid na naapektuhan ng lindol ang 174 katao sa lalawigan at may 98 ang nananatili pa sa evacuation centers.
May limang katao din ang nasaktan, kabilang ang isa na nagkaroon ng brain trauma. May napinsala din na tatlong bahay.
Hindi naman ito nagdulot ng pagkakaputol sa suplay ng kuryente at tubig at hindi din nakaapekto sa komunikasyon.
Naramdaman ang lindol sa malaking bahagi ng Luzon, kabilang na sa Cagayan Valley, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Central Luzon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.