Naungusan pa ng Pilipinas ang China sa usapin ng inangkat na bigas ngayon taon, base sa inilabas na ulat ng United States Department of Agriculture (USDA).
Sa ulat na Grain: World Markets and Trade” inaprubahan ng gobyerno ng Pilipinas ang pag-aangkat ng 3,900 metriko tonelada ng bigas mula noong Enero hanggang sa Disyembre.
Nabanggit sa ulat, noong 2008 nag-angkat din ng daan-daang libong tonelada ang Pilipinas dahil sa pagtaas ng presyo at ngayon taon hinihintay na lamang na bumaba ang presyo para sa pag-aangkat.
Sa darating na Enero hanggang Agosto ng susunod na taon, psoibleng mabawasan ng 100 metriko tonelada ang aangkatin na bigas ng Pilipinas, samantalang magdadagdag naman ang China ng 500 metriko tonelada.
Sa usapin naman ng produksyon, ang Pilipinas ay nakapagtala ng 12,631 metriko tonelada, 145,946 MT sa China ar 136,000 MT ang India.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.