Testigo sa inabusong kasambahay tinangkang itumba sa Occidental Mindoro

By Jan Escosio September 13, 2023 - 08:22 PM

Pinagtangkaan na patayin ang isa sa mga testigo ng sinasabing pang-aabuso sa isang dating kasambahay na si Elvie Vergara sa Paluan, Occidental Mindoro kagabi.

Ibinahagi ni Sen. Francis Tolentino ang sinapit ng 48-anyos na magsasaka na si alias Dodong.

Sa paunang impormasyon mula sa Occidental Mindoro Police Provincial Police Office, nasa loob ng isang bahay sa Barangay Tubili alas-9 nang biglang pumasok ang salarin at dalawang beses na nagpaputok ng baril.

Nakatakbo naman si Suarez at isinalarawan niya sa mga pulis ang salarin.

Nagpahiwatig ang senador na ang insidente ay maaring may kaugnayan sa sinapit ni Vergara, na iniimbestigahan ng pinamumunuan niyang Committee on Justice.

Pagbabahagi pa ni Tolentino may impormasyon din na delikado din ang kalagayan ni Vergara na ngayon ay nanunuluyan sa Batangas.

Aniya ikinukunsidera nang mailagay sa Witness Protection Program ng Department of Justice si Vergara.

 

TAGS: kasambahay, Tolentino, kasambahay, Tolentino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.