DFA: Walang Filipino na apektado sa Libya flooding
Wala pang ulat na may Filipino na apektado ng malawakang pagbaha sa Libya, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ito ay base na rin sa mga impormasyon mula sa mga komunidad ng mga Filipino na ipinadala sa Philippine Embassy sa Tripoli.
May 1,100 Filipino sa Libya, kasama na ang 90 na nakatira sa mga lugar na napinsala ng husto ng bagyo at pagbaha.
Ayon sa DFA, karamihan sa mga Filipino na nurse at clinical instructors ay nailikas na ligtas na lugar ng pamunuan ng ospital na kanilang pinagta-trabahuhan.
Gayunpaman, mahirap pa rin ang komunikasyon at hindi pa ganap na naibabalik ang suplay ng kuryente.
“Tripoli PE (Philippine Embassy) has reached out to the Filipino community leaders there and continues to monitor developments in regard to the disaster,” ang pahayag ng kagawaran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.