Ibat-ibang aktibidad ikinasa sa birthday ni PBBM Jr.

By Chona Yu September 13, 2023 - 02:08 PM

OP PHOTO

Ibat ibang aktibidad ang ikinasa kasabay ng ika-66 na kaarawan ni Pangulong Marcos Jr. ngayong araw.

Kabilang na rito ang paglulunsad sa  LAB For All: Lingap at Alagang Bayanihan, Nagsagawa rin ng Bayanihan for Tree Planting sa 40 na lugar kung saan itinanim ang mahigit 15,000 seedlings ng LAB For All volunteers at ng  One Movement Inc., local government units, DOTr Philippine Ports Authority, Rail Sector, Airports/Aviation, Road Sector, at iba pa. Nagsagawa rin ng Bayanihan for Medical and Dental Missions sa  19  lokasyon kung saan aabot  sa  23,918 ang naging benepisyaryo. Katuwang sa medical at dental missions ang 10 provincial, city at municipal governments pati na ang as 70 partners mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Mayroon ding  Bayanihan for Feeding Program initiatives na inilunsad sa siyam na lugar kung saan nasa 12,500 naman ang benepisyaryo, bukod sa  Milk Letting activity sa dalawang lugar kung saan nasa 100 ang benepisyaryo. Ibat-ibang birthday greetings din ang inilagay sa mga  major outdoor advertising agencies gaya ng Globaltronics and Carranz/DOOH sa EDSA corner Shaw Boulevard, Buendia, Gil Puyat corner Makati Avenue, Greenbelt at Glorietta areas at iba pa.

TAGS: Birthday, PBBM, Birthday, PBBM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.