Ex-judge sa de Lima case inireklamo sa Supreme Court

By Jan Escosio September 13, 2023 - 06:00 AM

Inireklamo ng kampo ni dating Senator Leila de Lima sa Supreme Court (SC) ang hukom na dating humawak sa kanyang drug case sa Muntinlupa City.

Ang administrative complaint laban kay Judge Romeo Buenaventura ay inihain sa Judicial Integrity Board ng SC.

Pinangunahan ng the Movement Against Disinformation sa pamumuno Dean Tony La Viña.

Partikular na ipinunto sa reklamo ang hindi agad pag-inhibit ni Buenaventura sa pagdinig sa kaso kahit mayroon ng “conflict of interest.”

Nadiskubre na kapatid ni Buenaventura si Emmanuel Buenaventura, na nagsilbing abogado ni Ronnie Dayan, kapwa akusado at dating bodyguard ni de Lima. Bukod dito naging legal adviser pa si Emmanuel ni Rep. Rey Umali nang magsagawa ng mga pagdinig sa Kamara ukol sa illegal drugs’ trade sa pambansang piitan. Ayon sa mga naghain ng reklamo laban kay Buenaventura, dapat sa simula pa lamang ay nag-inhibit na ang hukom at isinapubliko ang anumang kaugnayan na maaring maging ugat ng “conflict of interest.” Katuwiran naman ni Buenaventura nang mag-inhibit na siya sa kaso, walang dahilan para agad niyang bitawan ang kaso o isapubliko na kapatid niya si Atty. Buenaventura. Nag-inhibit ang hukom matapos niyang tanggihan ang petisyon ni de Lima na makapag-piyansa.

 

 

TAGS: de lima, inhibit, Judge, Muntinlupa City, Supreme Court, de lima, inhibit, Judge, Muntinlupa City, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.