Valenzuela City road rage suspect sumuko bitbit ang baril

WES GATCHALIAN FB PHOTO

Personal na nagtungo kay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang motorista na nanutok ng baril sa isang taxi driver sa lungsod noong Agosto 19.

Ang pagsuko ni Marlon Malabute ay naganap ilang oras matapos manawagan si Gatchalian na sumuko na ito, gayundin ang baril na ipinantutok niya sa taxi driver na si Henry Ong Jr., nang magbangaan ang dalawa sa Barangay Puturin.

Naging viral sa social media ang video nang insidente.

Tumanggi si Malabute na magbigay ng anumang pahayag nang iharap siya ni Gatchalian sa mga mamamahayag.

Nasa kustodiya na ng PNP – Firearms and Explosives Office (FEO) ang baril ni Malabute at isinuko din niya ang mga dokumento ng kanyang armas.

Nakumpirma na rin ng Valenzuela City Police na pag-aari ni Malabute ang sports utility vehicle (SUV) sa viral video.

 

 

 

 

Read more...