Bawas o tanggal-taripa sa bigas pag-aralan – Revilla

By Jan Escosio September 12, 2023 - 02:49 PM

Sinabi ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na bukas siya na pag-aralan ang suhestiyon ni Finance Secretary Benjamin Diokno na bawasan o alisin muna  ang taripa sa mga imported rice.

Ayon sa senador kailangan malaman kung magiging daan ito sa pagbaba ng presyo ng bigas at maging abot-kaya sa mga ordinaryong Filipino.

Diin ni Revilla hindi naman makakaila na sa ngayon ay mataas ang presyo ng bigas at kailangan na pag-isipan ng husto ng gobyerno kung paano maibaba ang halaga ng pinakamahalagang butil para sa Filipino.

Pag-amin ng senador, hindi siya eksperto sa usapin ng buwis ngunit sa kanyang palagay ay makakabuti kung pag-aaralan ang suhestiyon ni Diokno.

Suportado din niya ang mga hakbangin para mawakasan na ang pamamayagpag ng smugglers, hoarders, profiteers at mga kartel sa bigas.

Maganda, sabi pa ni Revilla, kung ang makukumpiskang bigas ay ipamahagi ng libre sa mga mahihirap na pamilyang Filipino.

Kanina ay nakibahagi ang senador sa pamamahagi ng ayuda sa mga mahihirap na residente ng lungsod ng Quezon.

TAGS: Bigas, DOF, imported, Revilla, taripa, Bigas, DOF, imported, Revilla, taripa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.