Heavy traffic sa UP-Diliman asahan sa Bar exam days

Makararanas ng mabigat na daloy na trapiko  ang ilang kalsada sa Quezon City sa Setyembre 17,20 at 25. Ito ay para sa gaganapin 2023 Bar Examinations sa University of the Philippines Diliman, Quezon City. Ayon sa Quezon City local government, partikular na mabigat ang trapik malapit sa UP campus. Partikular na ang  University Avenue, C.P. Garcia Avenue, Katipunan Avenue, at Commonwealth Avenue na maaaring dadaanan  ng mga kukuha ng Bar exam. Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta  para makaiwas sa posibleng pagbigat ng daloy ng trapiko dulot ng pagsusulit.

Read more...