Heavy traffic sa UP-Diliman asahan sa Bar exam days
By Chona Yu September 12, 2023 - 02:26 PM
Makararanas ng mabigat na daloy na trapiko ang ilang kalsada sa Quezon City sa Setyembre 17,20 at 25.
Ito ay para sa gaganapin 2023 Bar Examinations sa University of the Philippines Diliman, Quezon City.
Ayon sa Quezon City local government, partikular na mabigat ang trapik malapit sa UP campus.
Partikular na ang University Avenue, C.P. Garcia Avenue, Katipunan Avenue, at Commonwealth Avenue na maaaring dadaanan ng mga kukuha ng Bar exam.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta para makaiwas sa posibleng pagbigat ng daloy ng trapiko dulot ng pagsusulit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.