Villar: Customs Bureau bigo sa Anti-Agricultural Products Smuggling Act
Naniniwala si Senator Cynthia Villar na nabigo ang Bureau of Customs na ipatupad ng maayos at tama ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016. Sinabi ng senadora ito ay dahil sa pitong taon na ipinatupad ang batas, walang nasentensiyahan sa paglabag sa RA 10845. Ito aniya ang dahilan kayat ang batas ay papalitan ng isinusulong na Anti-Agricultural Economic Sabotage Act (SB No. 2432). Ipinaliwanag ni Villar na sa panukalang-batas mas mabigat ang mga kasong kahaharapin ng mga sangkot sa smuggling, hoarding, profiteering at cartel ng mga produktong-agrikultural. Banggit pa ng namumuno sa Senate Committee on Agriculture sa kanyang pags-sponsor sa panukala, taon-taon umaabot sa P200 bilyon ang nawawala sa dapat na kita ng gobyerno dahil sa smuggling. Ang smuggling aniya ang isa sa mga pangunahing dahilan kayat maraming magsasakang Filipino ang patuloy na nabubuhay sa kahirapan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.