DOH chief naaalarma sa pagsirit ng AIDS cases sa Pilipinas

Nababahala si Health Secretary Ted Herbosa sa bilis ng pagdami ng kaso ng AIDS sa bansa. Binanggit niya na noong nakaraang taon, ang bilang ng bagong HIV/AIDS cases sa bansa ay 22 kada araw. Ngunit aniya ang bagong datos ay nakakabahala dahil nakakapagtala na ng 50 bagong kaso kada araw. Sinabi pa nito ang nakakabahala din sa mga bagong kaso ay may tinatamaan ng naturang sakit na 15 anyos at marami ay edad 18 pababa. Ayon sa kalihim ang kanilang pansin ngayon ay nakatuon para mabawasan ang bilang ng mga bagong nahahawa ng sakit. Mahalaga aniya na mapaigting ang information campaign ukol sa sakit lalo kung paano maiwasan na mahawa nito.

Read more...