Ilang kalsada sa Maynila isasara para sa 2023 Bar Exam

By Jan Escosio September 12, 2023 - 09:14 AM

MANILA PIO PHOTO

Inanunsiyo ng Manila Traffic and Parking Bureau na ilang kalsada malapit sa University of Santo Tomas (UST) at San Beda University ang isasara kaugnay sa nalalapit na 2023 Bar Exam.

Sarado mula alas-3:30 ng madaling araw hanggang alas-9 ng umaga at alas-3:30 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi sa Setyembre 17, 20, at 24 ang  Dapitan Street (mula Lacson Avenue hanggangPadre Noval Street) at dalawang linya ng España Boulevard Westbound (mula Lacson Avenue hanggang Padre Noval Street).

Samantala, ang Legarda Street Eastbound mula San Rafael Street hanggang Mendiola Street; gayundin ang dalawang linya ng Mendiola Street mula Peace Arch hanggang Malacañang gate) at Concepcion Aguila Street ( mula Mendiola hanggang Jose Laurel Street) ay sarado  mula alas-2 ng madaling araw hanggang alas-7 ng gabi sa mga nasabi din petsa.

Inabisuhan ng pamahalaang-lungsod ang mga motorista na maghanap ng mga alternatibong madadaanan.

Inaasahan na magiging mabigat ang trapiko sa mga kalsada na malapit sa dalawang unibersidad.

 

TAGS: bar exam, San Beda, UST, bar exam, San Beda, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.