Panukalang palakasin ang industriya ng asin lusot sa Senado
Sa boto na 22-0. naaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas para mabuhay at mapalakas muli ang industriya ng asin sa bansa. Paliwanag ni Sen. Cynthia Villar na layon ng Senate Bill No. 2243 o ang panukalang Philippine Salt Industry Development Act na magkaroon Philippine Salt Industry Development Roadmap. Dagdag pa ng sponsor ng panukala, na ang roadmap ang magiging daan para sa pagkasa ng mga programa at proyekto na magiging daan para sa pag-unlad ng industriya ng asin sa bansa. Aniya ipinasa ang panukala dahil sa apila at panawagan ng tulong ng mga nabubuhay sa paggawa nga asin. Sinabi pa ng namumuno sa Senate Commitee on Agriculture na ang makokolektang taripa sa pag-angkat ng asin ay ibibigay din sa industriya sa pagbuo ng Salt Industry Development and Competitiveness Enhancement Fund (SIDCEF). Nagpasalamat naman si Majority Leader Joel Villanueva sa pagsuporta at pagpasa ng mga kapwa senador sa panukala. Umaasa naman si Senate President Juan Miguel Zubiri na magkaroon muli ng produksyon ng asin sa mga komunidad na malapit sa dalampasigan. Sa pagpasa ng panukala, inaasahan na makakasabay na ang lokal na asin at tatangkilikin sa ibang mga bansa, bukod sa magbibigay ito mga karagdagang trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.