Bangko Sentral: June foreign investment sa bansa bumagsak

INQUIRER PHOTO

Bumababa ang foreign direct investment (FDI) net inflows sa bansa noong Hunyo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Base sa impormasyon, bumaba ng 3.9 porsiyento na may katumbas na $484 million noong Hunyo ang FDI net inflows mual sa $503 million sa katulad na buwan noong nakaraang taon.

Ito ay mababa din ng 0.6 porsiyento o $487 million FDI net inflows noong nakaraang Mayo.

Ang halaga ay ang  pinakamababa na sa loob ng limang buwan o sa $465 million noong Enero.

Itinuro ng BSP ang mabagal na paglago ng ekonomiya, inflation at high interest rates sa bansa na mga dahilan kayat bumaba ang FDI net inflows noong Hunyo.

 

Read more...