Bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, dumami – DOH

By Jan Escosio September 11, 2023 - 07:53 PM

Mula noong Setyembre 4 hanggang Setyembre 10, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 894 COVID 19 cases sa bansa.

Bunga nito, ang bagong average daily cases ay 128.

Mas mataas ito ng 15 porsiyento kumpara sa bilang na naitala noong Agosto 28 hangang Setyembre 3.

Sa mga bagong kaso, 10 ang nasa kritikal o malubhang kondisyon at may 14 na namayapa, 11 ang mula Agosto 28 hanggang Setyembre 10.

Sa mga aktibong kaso sa kasalukuyan, 276 ang malubha o kritikal ang kondisyon.

 

TAGS: COVID-19, doh, COVID-19, doh

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.