Panibagong dagdag presyo sa krudo, gasolina, kerosene

INQUIRER PHOTO

Bukas ang ika-10 sunod na linggo ng pagtaas ng diesel at krudo simula noong Hulyo.

Madadagdagan ng P0.20 kada litro ang presyo ng gasolina at kerosene, samantalang P0.40 naman sa bawat litro ng diesel.

Ang panibagong-dagdag presyo sa mga produktong-petrolyo at inanunsiyo na ng Petron, Shell, Cleanfuel, Seaoil, PetroGazz, Jetti Petroleum, Unioil, PTT, Phoenix, at Flying V.

Magsisimula ang pagbabago sa mga presyo ala-6 ng umaga bukas, maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng alas-4:01 ng hapon.

Ang paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ang basehan nang muling paggalaw ng presyo ng mga produktong-petrolyo sa bansa.

 

 

Read more...