Journalist Atom Araullo pumalag sa “red tagging,” ex-Palace official, ex-rebel inasunto

By Jan Escosio September 11, 2023 - 04:22 PM

CHAD GARCIA PHOTO

Naghain ng P2 million civil suit ang mamamahayag na si Atom  Araullo laban kina dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Marie  Badoy at  dating rebeldeng  Jeffrey “Ka Eric” L. Celiz dahil sa “red tagging” sa kanya at sa kanyang pamilya.

“I am doing this for the safety and well-being of my family, but I also hope it contributes in a modest way to protecting press freedom in general,” ani Araullo.

Pagbabahagi ni Araullo ang mapanirang pahayag ng dalawa ay nangyari sa kanilang programang ‘Laban Kasama Ang Bayan’ sa SMNI News Channel, bukod pa sa video interview kay Celiz na nai-post sa Facebook page na “Today.”

Base sa reklamo na inihain sa Quezon City Prosecutors Office ang mga alegasyon na nag-uugnay kay Araullo at sa kanyang ina na si Dr. Carol Araullo sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army ay naganap noong 2022 hanggang Enero ngayon taon.

Bukod pa dito pinalitaw din na ang nakakabatang Araullo ay sangkot sa pag-atake sa gobyerno, na miyembro ng partido-komunista at siniraan bilang mamamahayag sa pagsasaming ang mga kanyang mga gawa ay pagsuporta sa propaganda ng CPP-NPA at National Democratic Front.

Ayon pa sa reklamo dahil sa mga naging pahayag nina Badoy at Celiz, nakaramdaman ng matinding pagkahiya si Araullo sa publiko at sa kanyang palagay ay nasira ang kanyang reputasyon.

 

 

TAGS: Atom Araullo, LorraineBadoy, red-tagging, Atom Araullo, LorraineBadoy, red-tagging

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.