Modernong teknolohiya sa pagsasaka iniutos ni PBBM Jr., sa mga liblib na lugar

By Chona Yu September 11, 2023 - 03:08 PM

INQUIRER PHOTO

Nais ni Pangulong Marcos Jr., na maabot na ng modernong teknolohiya sa pagsasaka ang kasulsulukan na bahagi ng bansa kayat inatasan niya ang  Department of Agriculture na gawin ito.

Layon aniya niya na matulungan ang mga magsasaka na mapataas ang produksyon ng palay. Sa kanyang mensahe  sa rice paddy art sa  demonstration site ng Mariano Marcos State University sa Ilocors Norte, sinabi ng Pangulo  na  mahalaga ngayon sa panahong tumitindi ang epekto ng climate change na gumamit na ng mga mas bago at pinakamagandang teknolohiya para sa produksyon ng  mas marami at magandang klase ng bigas. Hindi lamang aniya 2,000 hanggang 3,000  ektarya ang pinag-uusapan kundi hanggang 200, 000 ektaryang palayan. Binigyang diin ng Pangulo na marami nang nagbabago ngayon sa sitwasyon ng klima sa bansa kaya marami ring dapat baguhin sa mga pamamaraan ng pagtatanim at  maraming dapat pag aralan ng Philippine Rice Institute at ng Mariano Marcos State University at iba pang agri- research universities. Ito aniya ay para  makatiyak na magkaroon ng matatag na suplay at abot kayang presyo ng bigas para sa mga Filipino. Ayon sa Pangulo ang mga bagong teknolohiyang ito ay kinakailangan para magamit ng mga magsasaka  at ma proseso ang kanilang mga produkto para madala sa mga palengke at masigurong magiging maganda ang kanilang kita. Sinabi ng Pangullo na sa ibang bansa, umaani roon ng 10 tonelada kada ektarya sa mababang production cost lamang. Kaya may pangangailangan na rin aniyang maitaas ng bansa ang produksyon nito subalit dapat ding makatiyak na babalik ito sa kapakinabangan ng mga magsasaka.

TAGS: farming, rice, technology, farming, rice, technology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.