Rice price cap okay sa economic team

By Chona Yu September 11, 2023 - 02:49 PM

INQUIRER PHOTO

Buo ang suporta ng economic team sa desisyon ni Pangulong Marcos Jr., na magpatupad  ng price cap sa bigas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Finance Sec. Benjamin Diokno na ang Executive Order No. 39 ay nagsisilbing lifeline na kailangan ng mga Pilipino para makaagapay sa mataas na presyo ng bigas. Binigyang diin ni Diokno na nakikita nila ang EO bilang mahalagang stop-gap measure. Kaya naman sang-ayon anya sila sa Pangulo na ang pagpapatupad ng price ceiling sa bigas ang pinakamainam gawin sa ngayon para mag-stabilize ang presyo at agarang matulungan ang mga tao. Katuwiran ng kalihim, ang pagpapataw kasi ng price cap ang pipigil sa manipulasyon ng presyo at hoarding na gawain ng ilang negosyante, na magreresulta sa pagbaba ng presyo. Aminado naman si Diokno na bagama’t magiging epektibo ang price cap, hindi ito dapat patagalin at dapat magkaroon ng komprehensibong mga hakbang para matiyak ang pangmatagalang stability ng presyo ng bigas.

TAGS: Bigas, diokno, DOF, price cap, Bigas, diokno, DOF, price cap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.