Duterte sa Abu Sayyaf: ‘Away o usap?’

 

Inquirer file photo

Bukas si incoming President Rodrigo Duterte sa pagkakaroon ng mapayapang usapan sa bandidong Abu Sayyaf group.

Ayon kay Duterte, hindi naman niya kaaway ang Abu Sayyaf at alam niyang na ang problema sa bandidong grupo ay konektado sa problema sa Mindanao.

Kaya naman tanong niya sa grupo kung handa ba silang makipag-usap o nais nilang idaan na lang talaga sa away ang problema.

Bagaman ilang pamumuno na ang dumaan at sumubok na makipag-usap sa mga malalaking grupo tulad ng Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front, walang ni-isang nag-hamak na makipag-usap sa Abu Sayyaf.

Kamakailan lamang ay kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines na may pitong tripulanteng Indonesians ang dinukot ng bandidong grupo ilang araw matapos nitong pugutan ang ikalawang banyagang bihag nito sa Sulu na si Robert Hall.

Read more...