Ayuda sa rice retailers sa ilang lugar sa MM at Zamboanga ibibigay ngayon
Muling mamimigay ang pamahalaan ng tulong-pinansyal sa mga kwalipikadong retailer ng bigas sa Metro Manila at Zamboanga del Sur ngayong Lunes. Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na alalayan ang maliliit na rice retailers na apektado ng implementasyon ng price ceiling sa bigas sa buong bansa. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ipinabatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Pangulo na gagawin ang pamamahagi ng ayuda sa Pateros, Navotas City, Parañaque City at Zamboanga del Sur. Sabi ng DSWD, tinukoy ng Department of Agriculture (DA) at ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 337 na mga benepisyaryong tatanggap ng tig-P15,000 ngayong araw. Labing lima dito ay rice retailers sa Pateros, 161 sa Navotas, 129 sa Parañaque, at 32 sa Zamboanga del Sur.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.