Kamatayan sa mga drug addicts na wala nang pag-asang magbago-Duterte

By Inquirer, Jay Dones June 27, 2016 - 04:45 AM

 

Inquirer file photo

Kung si incoming president Rodrigo Duterte lamang ang masusunod, mas gugustuhin nitong mamatay na ang mga adik sa droga na wala nang pag-asa pang manumbalik sa dati ang buuhay.

Sa kanyang pagharap sa mga mamamayan ng Cebu City Sabado ng gabi, sinabi nito na ito ang kanyang nakikitang huling solusyon upang mapigil na ang pagkalat ng krimen sa bansa.

Paliwanag ni Duterte sa mga dumalo sa victory party sa lungsod, umaabot na sa tatlong milyon ang bilang ng mga lulong sa ipinagbabawal na gamot sa buong bansa.

Ang karamihan aniya sa mga ito ay lumiit na ang utak dahil sa paggamit ng droga at hindi na matutulungan pa ng anumang uri ng rehabilitasyon dahil sa epekto ng ipinagbabawal na gamot.

Ito aniya ang puno’t-dulo kaya’t marami sa mga gumagawa ng krimen tulad ng rape, murder at pagnanakaw.

At dahil sa hindi naman aniya magkakasya ang lahat ng mga adik sa mga kulungan, mas magiging mainam aniya kung papatayin na lamang ang mga ito.

Sakali aniyang harangin ng Korte Suprema ang kanyang plano, igigiit lang niya sa hukuman na matagal na niyang binalaan ang mga ito na itigil na ang iligal na gawain ngunit hindi sila sumunod.

Si Duterte ay nagtungo sa Cebu City upang dumalo sa isang kasalan.

Matapos ito ay humarap ang susunod na Pangulo sa may 10,000 tagasuporta nito sa isang victory party sa lungsod.

Sa Cebu, nakakuha ng higit isang milyong boto si Duterte sa nakalipas na eleksyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.