LPA sa N. Luzon, habagat nakakaapekto sa Mindanao
By Jan Escosio September 11, 2023 - 08:04 AM
Ang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ay huling namataan sa distansiyng 875 kilometro Silangan-Hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon.
Magiging makulimlim na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa epekto ng LPA.
Ayon pa rin sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) apektado ngayon ng habagat ang Mindanao.
Makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Zamboanga Peninsula dahil sa habagat.
Ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay maaring maging makulimlim din na may pag-ulan bunga ng habagat at localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.