Reelectionist barangay officials tuloy lang sa trabaho – Tolentino, Comelec
Sinabi ni Senator Francis Tolentino na walang batas na nagbabawal sa reelectionist barangay officials na gawin nila ang kanilang mga opisyal na trabaho.
Ito, ayon sa senador, kahit magbibigay bentahe sa mga nakaupong opisyal sa kanilang mga katunggali sa posisyon.
Kinumpirma naman ito ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia.
“Sa lahat ng 42,027 na barangay officials sa buong bansa, muli, hindi pinipigilan ng COMELEC, at tama po wala ring batas na pumipigil sa inyo na kayo po ay mag-perform ng inyong mga trabaho hanggang sa matapos ang termino ninyo sa November 1 po,” ani Garcia.
Dagdag ng senador na hindi dapat makaapekto sa kanilang pagsisilbi sa kanilang mga kabarangay ang kandidatura ng mga kasalukuyang opisyal.
Ginawa ni Tolentino ang paglilinaw dahil napakalahaga ang serbisyong pangkalusugan, gayundin ang kaayusan at kapayapaan sa mga barangay.
Nakatakda sa darating na Oktubre 30 ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.