Globe, may ‘Teach Me How To ‘Digi’ TikTok contest para sa senior citizens
By Jan Escosio September 09, 2023 - 03:54 PM
Inilunsad ng Globe ang contest na ang layon ay matuto ang senior citizens ng responsableng paggamit ng mobile phone.
Layon ng “#SeniorDigizen: Teach Me How To ‘Digi’” TikTok contest! na matuto ang mga lolo’t lola ng paggamit ng ibat-ibang phone at Globe apps sa tulong ng nakakabatang miyembro ng pamilya.
Ang mga dapat gawin:
● Gumawa ng TikTok video kung saan ang isang nakababata ay tinuturuan ang isang senior kung paano gumamit ng mobile phone. Patok ito kung creative at may kurot sa puso ang video.
● Ang mga video ay dapat mga 30 segundo o hanggang 5 minuto lamang, may one-liner caption at naka-set sa “public” sa TikTok.
● I-tag ang @globeofgood and gamitin ang official hashtag na #SeniorDigizen. Maaaring gumawa ng maraming video pero isang beses lamang maaaring manalo.
● Dapat ay original, creative at fun ang mga TikTok video, at kailangang nasa frame ang senior citizen at ang nagtuturong nakababata.
● Gamitin lamang ang commercial sounds na maaaring gamitin ng libre sa TikTok.
● Iwasan ang foul language at ang paggamit ng ibang brand names.
● Iwasan ang pagpapakita ng violence at masamang gawain. Wholesome dapat ang video.
● Extra points kung gagamitin ang signature color blue ng Globe at iwasan ang ibang kulay na nakadikit sa ibang brands.
● Dapat sumunod sa TikTok community guidelines. ● High-resolution dapat ang mga video. Hindi tatanggapin kung low resolution, pixelated, or magalaw ang video na iuupload.
Ang mga entry ay bibigyan ng puntos base sa creativity, engagement, at overall content. Ang Top 25 na mananalo ay tatanggap ng PHP25,000 halaga ng Globe Group products at iba pang premyo.
Ang mga makaka-kumpleto naman ng Globe #SeniorDigizen Ambassador program ay maaaring manalo ng PHP75,000 halaga ng Globe products. Ang mga mananalong seniors ay inaasahang makadadalo in person sa exclusive digital learning session ng Globe at makumpleto ang two-month #SeniorDigizen Ambassador program.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.