Bomb threat sa MRT-3, DOTr bumuo ng task force

 

Agad na sinuri ng kabubuong Inter-Agency Task Force ang mga pasilidad ng MRT – 3 matapos makatanggap ng bomb threat kaninang umaga.

Ang bomb threat ay isinagawa sa pamamagitan ng email.

Bunga nito, binuo ni Transportation Sec. Jaime Bautista ang IATF na binubuo nina Office for Transportation Security chief Mao Aplasca, DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez, DICT Cybercrime Investigation and Coordinationg Center Usec. Alex Ramos at Quezon City Police chief, Brig. Gen. Red Maranan.

Isinagawa nila ang inspection para tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng MRT 3 system para sa patuloy nitong operasyon.

Pagtitiyak ng IATF sa publiko na ang lahat na mga hakbangin ay ginagawa para sa maayos at ligtas na pagbiyahe.

Umapila rin sila sa netizens na huwag patulan at ikalat ang mga maling impormasyon upang hindi magdulot ng walang basehan na takot sa publiko.

Read more...