Nagsagawa ng kilos protesta ang climate change advocates sa ibat ibang bahagi ng Asya.
Ito ay para tutulan ang gagawing G20 Summit sa New Delhi sa India sa Setyembre 9 hanggang 10.
Ayon kay Lidy Nacpil, coordinator of Asian Peoples’ Movement on Debt and Development (APMDD), isinagawa ang kilos protesta sa Makati, Jakarta, Dhaka, Kathmandu, Karachi, Lahore at Colombo.
“We demand that the G20 governments commit to bolder measures to address the multiple crises, including mobilizing much-needed resources through inclusive debt cancellation, adoption of wealth taxes for spending on urgent economic and climate action, and the rechanneling of public funds away from fossil fuel subsidies towards renewable energy systems,” pahayag ni Nacpil.
Ayon sa grupo, nasa 75 porsyento ang ambag ng G20 sa global trade at 85 porsyento naman saa gross domestic product saa buong mundo.
Nangangahulugan ito ng 80 porsyentong world power sector emissions.
Taong 2009 pa nangako ang mga bansang kasapi sa G20 na babawasan ang paggamit sa fossil fuel, subalit hanggang ngayon hindi naman ito ginagawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.