MMDA nabiyayaan ni Sen. Sonny Angara ng 10 motorsiklo para sa Motorcycle Riding Academy
Binigyan ni Senator Sonny Angara ng 10 motorcycle units ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ang mga motorsiklo na tinanggap ni MMDA acting Chairman Don Artes ay para sa Motorcycle Riding Academy (MRA) ng MMDA na magbubukas sa darating na Setyembre 27.
Sa MRA ay sasanayin ang MMDA personnel sa pagsakay sa motorsiklo, gayundin ng basic emergency response training.
Pinirmahan nina Angara at Artes ang deed of donation at tinanggap ang mga motorsiklo sa MMDA Head Office sa Pasig City.
Sinabi ni Angara na patuloy din niyang susuportahan ang taunang budget ng ahensiya.
“Every year, hindi kayo mababawasan at madadagdagan pa ang inyong budget. Asahan po ninyo ang tulong natin bilang Chairman ng Senate Committee on Finance dahil kinikilala po natin ang dagdag-ginhawa at benepisyo na ibinibigay ng inyong ahensiya sa Metro Manila,” sabi pa ni Angara.
“I would like to extend my earnest gratitude to Sen. Angara for his generous donation to the agency, ” ang tugon naman ni Artes.
Binanggit din nito ang mga naunang kontribusyon ni Angara sa MMDA tulad ng pagbili ng 50-seater air-conditioned ferry boats para sa Pasig River Ferry Service; pagbili ng CCTV cameras at garbage traps; at pagbibigay pondo para sa operasyon ng MMDA Communications and Command Center.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.