Paglimita sa pagbibigay ng CIF sa mga ahensiya ng gobyerno gagawin ng Senado – Angara

 

Kinatigan ni Senator Sonny Angara ang pahayag ni dating Senator Franklin Drilon na dapat ay limitahan ang pagbibigay ng confidential and intelligence fund (CIF) sa mga ahensiya ng gobyerno.

Ayon kay Angara, tama ang posisyon ni Drilon na ang CIF ay para lamang sa ahensiya na nagsasagawa ng security at intelligence operations.

Ito aniya ang dahilan kayat hihimayin nila ng husto ang hinihinging CIF ng ilang ahensiya.

Kamakalawa, nakipagpulong na ang Select Oversight Committee sa pamumuno ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa mga namumuno sa security and intelligence agencies bilang pangunahing hakbang sa pagbusisi nila sa CIF ng mga ahensiya.

Dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Finance na batid nila na kailangan malimitahan at higpitan ang pagbibigay ng CIF dahil hindi lahat ng mga ahensiya ay karapatdapat na mabigyan nito.

Read more...