PMA nagbigay-pugay kay outgoing PNP chief Marquez

By Kathleen Betina Aenlle June 27, 2016 - 04:40 AM

 

Inquirer file photo

Nagsagawa ng testimonial parade ang Philippine Military Academy (PMA) para kay outgoing Philippine National Police (PNP) Director General Ricardo Marquez kahapon sa Fort del Pilar sa Baguio City.

Kasabay ng kasalukuyang administrasyon, lilisanin na rin ni Marquez ang kaniyang pwesto sa June 30 para magbigay daan sa bagong talagang magiging pinuno ng PNP na si Chief Supt. Ronald dela Rosa.

Sa loob ng 34 taong paninilbihan bilang pulis, maraming parangal na ang natanggap ni Marquez na kabilang sa PMA Class 82.

Ayon kay Marquez, nais niyang maiwan sa isip ng mga tao na siya ang pinuno ng PNP na ginawang mahalagang mandato sa mga pulis ang pagpapatrulya, at ang maayos niyang pamamahala sa seguridad noong kasagsagan gn Papal Visit at APEC Summit.

Nais rin niyang maalala bilang pinunong nagpasimula ng Lambat Sibat na nakabawas sa bilang ng mga krimen sa bansa.

Una nang sinabi ni Marquez na pagkatapos ng kaniyang panunungkulan sa pambansang pulisya, magpapahinga muna siya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.