Kasong administratibo ikakasa sa BuCor offials sa pagpuga ng preso

By Jan Escosio September 08, 2023 - 01:28 PM

Inirekomenda ng  Board of Inquiry ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagsasampa ng mga kasong administratibo laban sa ilang opisyal ng kawanihan dahil sa pagkakatakas ng isang bilanggo noong Hulyo.

Gross neglect of duty ang kahaharapin ng mga opisyal maging ng mga corrections officers ukol sa pagkakatakas ni Michael Cataroja.

Sinabi ni BuCor Dir. Gen. Gregorio Pio Catapang na maaring maharap din ang mga ito sa mga kasong kriminal.

Sa ikatlong pagdinig ng Committee on Justice, sa pangunguna ni Sen. Francis Tolentino, sinabi na 700 tauhan ng Security and Patrol Unit ang inalis kayat halos wala nang nakatutok sa mga bilanggo sa Maximum Security Compound sa pambansang-piitan.

Sa testimoniya ni Cataroja pinanindigan nito na nakatakas siya sa pamamagitan ng pagsiksik sa sarili sa ilalim ng truck ng basura.

At base sa resulta ng kanyang lie detector test na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) lumabas na hindi siya nagsisinungaling.

TAGS: Bilibid, Bureau of Corrections, Francis Tolentino, news, Radyo Inquirer, Bilibid, Bureau of Corrections, Francis Tolentino, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.