Bilateral relations ng Pilipinas at Australia, pinagtibay pa
Pagpapalakas pa sa kooperasyon sa defense, security, trade, economic development at maritime cooperation sumentro ang bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr at Australian Prime Minister Anthony Albanese sa Palasyo ng Malakanyang.
Bumisita sa bansa si Albanese para bigyang halaga ang ika-75 taong bilateral relationship at diplomatic ties ng Pilipinas at Australia.
Ayon kay Albanese, great friends ang dalawang bansa.
Sinabi naman ni Marcos na naging makabuluhan ang people-to-people exchanges ng dalawang bansa kahit na walaang diplomatic at trade agreements ang dalawang bansa.
Sabi ni Pangulong Marcos, kaya pinipili ng mga Filipino workers ang magtrabaho sa Australia dahil sa maayos na pagtrato.
Nagpasalamat si Pangulong Marcos kay Albanese sa pagsuporta ng Australia sa Pilipinas sa usapin sa West Philippine Sea.
Nagapahayag kasi ng suporta ang Australia sa laban ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa katatapos na 43rd Association of Southeast Asian Nations Summit and Related Summits sa Jakarta, Indonesia.
Ito ang unang pagkakataon na bumisita ang lider ng Australia sa bansa simula noong 2003.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.