Suspek na nangholdap sa US journalist, arestado

By Inquirer, Jay Dones June 27, 2016 - 04:35 AM

 

Aie Balagtas See/Inquirer

Nadakip na ng mga tauhan ng Manila Police District ang lalakeng nangholdap sa isang US journalist ilang linggo na ang nakalilipas.

Kinilala ng mga pulis ang naarestong suspek na si Biel Bersamino, na agad na sinampahan ng kasong robbery matapos positibong kilalanin ng kanyang nabiktimang si Timothy o’ Leary, isang US citizen.

Naaresto si Bersamino makaraang mambiktimang muli ng isang Canadian tourist nitong nakalipas na araw.

Nang beripikahin, dito na nakumpirma na ito rin ang nambiktima kay O’ Leary.

Ayon sa modus ng suspek na kaibiganin ang kanyang target bago holdapin.

Sa reklamo ni O’ Leary, nakilala niya ang suspek sa Makati Avenue noong June 16, at nanghingi ng tulong upang makapunta sa Maynila.

Sa pag-aakalang tunay itong nangangailangan ng tulong, pumayag ang biktima na makisabay ito sa kanyang taxi patungong Roxas Blvd.

Gayunman, pagsapit sa Dagonoy St., sa San Andres, dito na umano siya tinutukan ng baril at tinangayan ng kanyang pera.

Giit pa umano ng suspek, kinailangan niya ang pera para pambili ng bigas.

Makalipas ang ilang araw, naaresto ang suspek habang binibiktima ang isang turistang Canadian gamit ang kahalintulad na modus.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.