Full military honors sa nasawing 5 Cafgu members sa Quezon

Binigyan ng full military honors ang limang miyembro ng Citizens Geographical Unit (CAFGU) na nasawi sa pakikipaglaban sa mga rebeldeng-komunsita sa Tagkawayan, Quezon noong nakaraang Setyembre 1. Kinilala ng pamahalaang-panglalawigan sa pangunguna ni Gov. Helen Tan sina CAA Cesar Sales, CAA Jeffrey San Antonio, CAA Aljohn Rapa, CAA Johnwell Perez, at CAA Jomari Guno. Ihihimlay  ang kanilang mga labi sa Libingan ng mga Bayani. Patuloy din ang pagkilos at pakikipag-ugnayan ng pamahalaaang panlalawigan sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno upang matulungan ang mga naapektuhang residente ng pinangyarihan na pananambang ng teroristang grupo. Katuwang ang DSWD sa pangunguna ni Sec. Rex Gatchalian ay sinimulan na ang pamamahagi ng tulong at food packs para sa mga komunidad na naipit ng nagdaang engkwentro. Magsasagawa rin ng stress debriefing ang Provincial Health Office para sa mga naapektuhang residente upang masuri ang kalagayan ng kanilang mental health matapos ang insidente. Samantala, may pakikipag-ugnayan na rin si Tan sa DOLE upang suriin ang kasalukuyang lagay ng kabuhayan ng apektadong komunidad upang masolusyonan ang isa sa mga nagdudulot ng insurhensya – ang kawalan ng maayos na kabuhayan at kabilang na ditio ang pagbibigay ng Sustainable Livelihood Projects (SLP) sa mga residente. Sinigurado pa rin ng pamahalaang panlalawigan na nananatiling “insurgency-free” ang Quezon at paiigtingin ang pakikipagtulungan sa mga law enforcement agencies upang agarang mabigyan ng hustisya ang mga nasugatan at namatay na CAFGU.

Read more...