2 QC LGU employees lusot sa kasong direct bribery

By Chona Yu September 07, 2023 - 06:59 PM

FILE PHOTO

Abswelto sa asuntong direct bribery ang dalawang empleyado ng Quezon City Hall.

Ito ay matapos basura ng  Quezon City Prosecutors Office ang kaso laban kina Ulyssses Dela Cruz at Shaine Ann Marie  Cabuang ng Treasurer’ Office ng Quezon City. Bukod sa direct bribery, inireklamo rin ang dalawa sa  paglabag sa Republic Act of 11032  o Ease of Doing Business and efficient Government Service Delivery. Nag-ugat ang reklamo sa  isang Anthony Stephen Monteiro, na humingi ng diskuwenti sa babayaran dito  at sinabihan ito ni Dela Cruz na magbayad ng halagang P50,000 at sinabing ibigay ang bayad kay Cabuang. Dahil naibaba ang babayaran , nagreklamo naman si Monteiro sa E-Sumbong kayat agad nagsagawa ng entrapment operation ang QCPD Kamuning Police Station laban kay Dela Cruz. Noong May 25,2023 alas 2 ng hapon, isinagawa ang entrapment operation sa QC Treasurers Office .Noon ay ibinibigay ni Monteiro ang naturang halaga kay Dela Cruz pero hindi nito tinanggap  ang bayad at sinabing ibigay  ito kay Cabuang. Habang binibilang na ni Cabuang ang bayad gamit ang money counting machine ay natuklaran nito na ang pera ay peke sabay ang  noon ding pag aresto ng Kamuning Police sa dalawang akusado at sinampahan ng naturang mga kaso. Sa pagbusisi ng korte sa kaso makaraan ang serye ng pagdinig , napatunayan ng Prosecutors Office na walang sapat na batayan upang ang dalawang kawani na madiin sa naturang mga kaso. “ Respondents cannot be indicted for violation of Section 13 of RA 11032 because there is no showing that complainant ask for a receipt from the respondents Besides respondents were not given the opportunity to issue a receipt during the entrapment operation” nakasaad sa nilagdaan resolusyon ni Asst. City Prosecutor Carayugan-Lugo sa kaso. Kaugnay nito, sinabi ni City Treasurer Edgar Villanueva na nang malaman ang insidente ay agad niyang sinuspinde sa trabaho ang dalawa upang bigyang daan ang imbestigasyon sa kaso. Anya, simula’t sapul ay naniniwala siyang walang kasalanan ang dalawang  tauhan dahil mahigpit ang kanyang kampanya laban sa korapsiyon sa kanyang tanggapan . Binigyang diin ni Villanueva na walang puwang sa kanyang tanggapan ang mga anomalya dahil  mahusay na napapangasiwaan ang mahigpit na  tagubilin ni Mayor Joy Belmonte na labanan ang anumang uri ng korapsiyon sa mga tanggapan sa QC Hall. Si Villanueva kasama ni Mayor Belmonte ay tumanggap ng apat na awards sa ginanap na stakeholders recognition program ng Department of Finance Bureau of Local Government Finance at nominee para sa natatanging Lingkod Bayan ng Civil Service Commission.

TAGS: bribery, city hall, ease of doing business, QC, bribery, city hall, ease of doing business, QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.