Pilipinas, Cambodia nagbigkis sa isyu ng food security
Jakarta, Indonesia – Paiigtingin ng Pilipinas at Cambodia ang ugnayan sa food security.
Sa bilateral meeting nina Pangulong Marcos Jr. at Cambodian Prime Minister Hun Manet sa sideline ng 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits, lalakas ang seguridad sa pagkain kung paiigtingin ang kolaborasyon ng dalawang bansa.
Pinagsusumikapan ng Pilipinas at Cambodia na maabot ang food security lalo na sa bigas dahil nakaapekto sa produksyon ng bansa ang mga tumatamang bagyo.
Sa ngayon, mayroon ng business-to-business sales deals sa pagitan ng Khmer Foods company at rice importers sa Pilipinas na nagbunga ng eksportasyon ng 2,500 tonelada ng bigas noong Mayo.
Ito ang unang pagkakataon na nag-angkat ng bigas ang Pilipinas sa Cambodia mula nang maipasa ang Rice Tariffication Law noong 2019.
Target naman ng Cambodia na makuha ang isang porsyento ng merkado ng imported rice sa Pilipinas sa taong 2024.
Bukod sa food security, pinag-usapan din ng dalawa ang pagpapalawak pa sa direct flights sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia.
Gayundin ang cultural, educational, at people-to-people sa pagitan ng dalawang bansa.
“I’m very proud of our overseas Filipino workers and the teachers who have gone abroad and places. Many who’ve come from my part of the country and we have been able to assist our allies and our partners in terms of exchange of culture and the like,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.