Jakarta, Indonesia – Isinasapinal na ng Pilipinas at Vietnam ang rice trade agreement.
Ginawa ang kasunduan sa bilateral meeting nina Pangulong Marcos Jr. at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh sa sideline ng 43rd Association Southeast Asian (ASEAN) Summit and Related Summits dito.
“Our two countries will conclude an inter- government agreement on rice trade so that our rice export to the Philippines will ensure food security in the Philippines. We look forward to having a stable framework of cooperation on rice trade for a long period of at least 5 years, * pahayag ni Pham.
Sinabi naman ni Pangulong Marcos Jr. na batid ng Vietnam na malaking isyu sa Pilipinas ang usapin sa food supply, na nadedetermina ng bigas at presyo.
“Why we are anxious and we hope to continue very fruitful arrangements,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Isa ang Vietnam sa mga bansa na nangunguna sa produksyon ng Pilipinas.
Bukod sa usapin sa pagkain, tinalakay ng dalawang lider ang aquaculture, pagpapalago sa kooperasyon sa digital economy at green economy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.