6 patay sa vehicular accident sa Maguindanao

 

Mula sa Wikipedia

Anim katao ang nasawi kabilang na ang isang menor de edad sa banggan ng isang pampasaherong jeep at dump truck sa bayan ng Datu Odin Sinuat, Maguindanao, Linggo ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ang mga biktima ng jeep patungong Cotabato City nang makasalubong nito ang dump truck sa bahagi ng Bgy. Pinguiaman.

Dito na nagkasalpukan ang dalawang sasakyan na nagresulta sa pagkamatay ng anim na biktima at pagkasugat ng tatlong iba pa.

Kapwa iniimbestigahan na ng mga otoridad ang driver ng dalawang sasakyan upang matukoy kung sino sa mga ito may kasalanan sa trahedya.

Inaalam na rin ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Read more...