Britain, humingi ng karagdagang panahon bago kumalas sa EU

By Kathleen Betina Aenlle June 27, 2016 - 04:30 AM

 

brexit-300x182Nais na ng mga nakatataas na opisyal ng European Union na bilisan ng United Kingdom ang pag-aalsa balutan nito paalis sa kanilang samahan.

Ngunit, humingi naman ang Britain ng karagdagan pang panahon dahil hindi naman anila ito masisimulan agad dahil ang desisyong ito ay magkakaroon pa ng epekto sa halos buong mundo.

Ayon kay French Foreign Minister Jean-Marc Ayrault, masyado silang minamadali, kaya wala silang panahon para sa “period of uncertainty” sa mga pagiging kapalit nito sa mga aspetong pinansyal at pulitikal.

Ayon naman kay EU Commission chief Jean-Claude Juncker, hindi magiging maganda ang pag-hiwalay ng Britain sa EU.

Samantala, dahil nag-bitiw na sa pwesto si British Prime Minister David Cameron, ang susunod sa kaniya ay sa Oktubre pa maluluklok.

Sinabi ng napipisil na sumunod sa kaniyang si London Mayor Boris Johnson na hindi naman kailangang magmadali, ngunit taliwas dito ang iginigiit ng EU.

Giit ni Juncker, bilang nagawa rin lang ng Britain na bumoto sa pag-alis nila sa EU, hindi na dapat hintayin pang mag-Oktubre para simulan ang negosasyon dahil nais na niyang magsimula ito agad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.