Dahil sa pagtaas ng generation charge, posible na tumaas ang halaga ng kuryente na isinusuplay ng Manila Electric Company (Meralco) ngayon Setyembre.
Sinabi ni Meralco 1st Vice President Joe Zaldarriaga na hinihintay na lamang nila ang “final billings” ng kanilang mag supplier.
Ang pagtaas ng generation charge ay bunga ng mas mataas na presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Gayundin aniya ang pagbagsak ng halaga ng piso kontra sa dolyar ng Amerika.
Sabi pa ni Zadarriaga na umaasa na lamang sila na ang pagtaas ay mababawasan naman mas mababang Wholesale Electricty Spot Market (WESM) charges.
Noong nakaraang buwan bumaba ng P0.2908 per kilowatt hour ang halaga ng kuryente mula sa Meralco bunga nang pagbaba sa generation charge.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.