Grupo ng mga rice traders suportado ang rice price cap

By Jan Escosio September 07, 2023 - 05:47 AM

FILE PHOTO

Handa ang Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) na makipagtulungan sa gobyerno sa pagpapatupad ng Executive Order 39 ni Pangulong Marcos Jr., na nagtatakda ng “price cap” sa mga bigas sa bansa.

Sinabi ni PRISM lead convenor Rowena Sadicon na nakikipag-ugnayan na sila sa  Department of Agriculture (DA) at sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa suplay ng bigas na mabibili ng konsyumer sa itinakdang P41 at P45 kada kilo ng bigas.

Aniya may mga nagbabantay na sa kanilang hanay para matiyak na nasusunod ang mga itinakdang presyo sa regular-milled at well-milled rice.

Pag-amin na lamang nito na hirap ang marami sa kanila na makasunod sa itinakdang mga presyo dahil nabili nila ang kasalukuyan nilang suplay sa mas mataas pang halaga.

Ngunit aniya wala naman silang magagawa kundi ang sumunod sa utos ni Pangulong Marcos Jr.

Nakasaad sa kautusan na ang mga lalabag ay maaring makulong  ng hanggang 10 taon at pagmultahin ng hanggang P1 milyon.

TAGS: price, rice retailers, supply, price, rice retailers, supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.