Aksyon ng Ombudsman dapat kahit sa “anonymous complaint” – Trabaho Partylist

By Jan Escosio September 06, 2023 - 07:12 PM

TRABAHO PL FB PHOTO

Responsibilidad ng Office of the Ombudsman na gumawa ng karampatang hakbang sa kahit anong reklamo na ipinarating sa kanila maging ang “anonymous complaint.”

Ito ang binigyan-diin ni Trabaho Partylist Sec. Gen. Atty. Juan Paolo Lorica alinsunod sa RA 6770 o ang Ombudsman Law.

Sinabi ni Lorica na hindi maaring isantabi ni Ombudsman Samuel Martires at ng mga sinundan niya sa posisyon ang mga “anonymous complaint” lalo na kung ito ay may sapat na basehan at konkretong ebidensiya.

“Malinaw rin na mismong ang Konstitusyon ng ating bansa ang nagbigay kapangyarihan sa Ombudsman na magsimula ng imbestigasyon kaugnay sa posibleng ilegal na gawain ng mga taong naninilbihan sa gobyerno,” sabi pa ni Lorica.

Nabanggit niya ang mga pagbatikos ukol sa pagkaka-alis sa puwesto ni dating Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong base sa reklamo ng hindi nagpakilalang mga opisyal at kawani nh MIAA ukol sa ginawang “re-assignment” sa 285 kawani pagkaupo niya sa puwesto noong nakaraang taon.

Bukod kay Chiong naalis din sa puwesto si Irene Montalbo, ang dating acting assistant general manager, bunga ng reklamong grave abuse of authority at misconduct.

Paliwanag ni Lorica sa 21-pahinang desisyon ng Ombudsman, karamihan sa mga apektadong empleyado, kung hindi man lahat sa kanila, ay nalipat sa mga posisyon o departamento na nangangailangan ng mga kaalaman o karanasan na hindi nila taglay kayat hindi nila nagampanan ng maayos ang kanilang mga bagong trabaho.

“Halimbawa, isang electrical engineer ang inilipat mula sa Electrical Division para gawing Manager ng Airport Police Department. Malinaw na hindi magagampanan ng isang electrical engineer ang tungkuling pamahalaan ang seguridad ng airport,”  aniya, sabay dagdag; ” Kaugnay nito, hindi masisisi kung magtanong ang publiko kung may kinalaman ba sa mga brownout sa airport ang mga personnel movement na ginawa ni Chiong.”

Pagtitiyak pa nito na patuloy silang maninidigan katuwang ang Ombudsman sa pagtupad sa mga mandato ng “graft investigating body.”

“Ang ating batas at panuntunan sa personnel movement ay hindi ginawa para maging sangkalan ng mga nakakataas sa gobyerno upangidiin ang kanilang mga nasasakupan,” pagdidiin pa ng pamunuan ng Trabaho Party-list.

 

TAGS: Grave Abuse of Authority, MIAA, misconduct, ombudsman, partylist, trabaho, Grave Abuse of Authority, MIAA, misconduct, ombudsman, partylist, trabaho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.