Pagguho ng lupang nakatambak sa Manila Bay Reclamation, ibinabala ng eksperto

By Chona Yu September 06, 2023 - 09:59 AM
Rehabilitasyon at hindi suspensyon ng reclamation ang kailangan na gawin para mapangalagaan ang marine life sa Manila Bay. Ayon kay Dr. Edgardo Alabastro,  Chief Executive Officer ng Technotrix Integrated Services Corporation, sa bawat araw na nakatiwangwang ang proyekto , unti-unti aniyang gumuguho ang lupang tinambak dahil hindi pa nakalatag ang mga istrukturang pipigil sa hampas  ng malakas na alon. Iginiit din ni Dr. Alabastro ang agarang rehabilitasyon sa Manila Bay sa halip na patagalin ang suspensyon ng proyekto. Nagbabala rin  si Dr. Alabastro na ang mga nakatambak na basura at baradong estero sa paligid ng Metro Manila ang dahilan kung bakit bumabaha sa NCR sa tuwing  umuulan. Batay sa mga pag-aaral ng mga dalubhasa tulad ni   urban planning expert na si Architect Jun Palafox at si DOST Secretary Renato Solidum Jr. , inihayag nila na malaking bentahe sa kalikasan at kaligtasan ng mga mamamayan ang island-type reclamation kapag tama ang pagkagawa. Anila, magsisilbi kasi itong pader na panangga sa malakas na hampas ng alon sa tuwing masama ang panahon. Aminado rin ng Department of Environment ang Natural Respurces (DENR) na bumaba sa 51,300 MPN per 100 milliliters ang antas ng fecal coliform sa Manila Bay mula sa dating 126,000 mula nang sumipa ang tatlong reclamation projects sa Manila batay sa datos ng Manila Bay Coordinating Office (MBCO). Nanghihinayang din aniya siya sa pagkakataong pinalipas ng pamahalaan na hindi na sana kailangan pang mangutang para tustusan ang mga makabuluhang  proyekto ng gobyerno.

TAGS: Manila Bay, news, Radyo Inquirer, reclamation, rehabilitation, Manila Bay, news, Radyo Inquirer, reclamation, rehabilitation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.