40% annual check-up rate ng mga Pinoy ikinabahala ni Go

By Chona Yu, Jan Escosio September 06, 2023 - 10:51 AM

SENATE PRIB PHOTO

Nagpahayag ng kanyang labis na pag-aalala si Senator Christopher “Bong” Go sa resulta ng pag-aaral na 40 porsiyento lamang ng mga Filipino ang sumasailalim sa regular na taunang medical check-up.

Ibinahagi ni Go na base sa resulta ng Capstone-Intel Corp study, 33 porsiyento sa mga Filipino ang nagpapatingin sa doktor kapag may masamang nararamdaman, 15 porsiyento ang madalang magpasuri sa doktor, pitong porsiyento ang nagpapa-check-up kada dalawa o tatlong taon at may apat na porsiyento na hindi talaga nagpapatingin sa doktor.

Isinagawa ang pag-aaral noong Agosto 1 hanggang 10 at ay may 1,025 respondents na may edad 18 – 65.

Tawag-pansin, ayon kay Go, ang pag-aaral dahil pagpapatunay ito ng pangangailangan na palakasin ang sistemang-pangkalusugan sa bansa.

Kayat isinusulong ng namumuno sa Committee on Health ang mga serbisyo na iniaalok sa mga Super Health Centers tulad ng database management, out-patient care, birthing facilities, isolation units,  at diagnostic services.

Dagdag pa nito, ang mga Malasakit Centers sa mga pampublikong ospital sa bansa.

TAGS: check up, go, Health, survey, check up, go, Health, survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.