Pag-angkin ng China sa South China Sea, ni-reject ni Pangulong Marcos

 

 

JAKARTA, INDONESIA–Ni-reject ng Pilipinas ang pag-angkin ng China sa South China Sea.

Ito na ang pinakalamakas na pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang intervention sa 43rd Association of Southeast Asian Nations Summit and Related Summits na ginaganap sa Jakarta Convention Center sa Jakarta, Indonesia.

“The Philippines firmly rejects misleading narratives that frame the disputes in the South China Sea solely through the lens of strategic competition between two powerful countries. This not only denies us our independence and agency, but also disregards our own legitimate interests,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Isa ang Amerika sa mahigpit na kaalyado ng Pilipinas.

Sabi ni Pangulong Marcos, dapat na magkaroon ng self-restraint ang lahat ng partido.

“We cannot emphasize enough that actions, not words, should be the ultimate measure of our commitment to securing peace and stability in the South China Sea. Anything else simply does not suffice,” sabi ni Pangulong Marcos.

Hinikayat din ng Pangulo ang mga kapwa lider na makipagtulungan para maayos ang gusot sa South China Sea.

“We therefore seek your support for the operationalization of practical measures such as the ADMM Guidelines for Maritime Interaction, which we envision will be expanded to our external partners in due time,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Read more...